Inaasahang makikiisa ang Samahang Magbabangus sa Pangasinan (SAMAPA) sa bloodletting activity na isasagawa sa ikalawang linggo ng Nobyembre na inorganisa ng Bombo Radyo at Star FM Dagupan.

Ayon kay Christopher “Aldo” Sibayan, Presidente ng SAMAPA, malaking tulong ang aktibidad na ito sa mga nangangailangan ng dugo at magbibigay ng pagkakataon na makakuha ng suplay ng dugo sa mga taong may rare blood type.

Aniya na kaisa ang kanilang grupo sa pagtulong sa programa dahil Inaasahan na marami sa kanilang mga miyembro ang makikilahok dahil nagpadala na ito ng liham sa lahat ng mga miyembro nito mula sa Central hanggang western part ng Pangasinan.

--Ads--

Kaya naman, hinihikayat niya ang kanyang mga miyembro at ang publiko na makilahok sa programa.

Dagdag pa niya, na makakaasa ang istasyon na buo ang kanilang pagsuporta dahil layunin nilang maghatid ng tulong sa mga tao sa simpleng pagbibigay ng dugo.

Samantala, ang Dugong Bombo:A little pain a life to gain Bloodletting Activity ay patunay na pagsusumikap ng network na mapadami ang mga makikiisa sa kaganapan para maraming buhay ang maisalba sapagkat magdaragdag ito sa suplay ng dugo sa bansa.