DAGUPAN CITY – Tumaas pa ang bilang ng mga nasawi sa bagyo sg Jamaica.
Ayon kay Information Minister Dana Morris Dixon, hindi bababa sa 19 katao ang nasawi sa Jamaica dahil sa Hurricane Melissa, habang nagpapatuloy ang mga operasyon ng search and rescue at sinusubukan ng mga awtoridad na maihatid ang tulong sa mga lugar na labis na naapektuhan.
Ang bagyo, isa sa mga pinakamalakas na tumama sa Caribbean, ay pumatay rin ng hindi bababa sa 30 katao sa Haiti, ayon sa mga opisyal.
Sa Jamaica, sinabi ni Dixon na may mga buong komunidad na tila naipit at mga lugar na halos nabura” na may mga nakapanlulumong tanawin sa mga kanlurang rehiyon.
Wala pa ring kuryente sa karamihan ng isla, at habang sinusubukan ng mga tao na maisalba ang mga nasirang bahay at gamit mula sa baha at putik, libu-libo ang nagiging desperado para sa tulong.
Ilang bahagi ng bansa ang walang suplay ng tubig sa loob ng ilang araw, at paunti-unti nang nauubos ang pagkain.
Nagsisimula nang dumating nang mas mabilis ang mga suplay ng tulong sa pangunahing paliparan sa Kingston, ang kabisera ng Jamaica, na halos balik-normal na ang operasyon.
Gayunpaman, ang mga mas maliliit na paliparan sa mga rehiyonal na lugar na malapit sa mga lugar kung saan pinakakailangan ang tulongay bahagya pa lamang gumagana.
Ang mga ahensya ng tulong at militar ay nagdadala ng mga kinakailangang suplay mula Kingston sa pamamagitan ng lupa, ngunit marami pa ring daan ang hindi madaanan sa ilang bahagi.










