Naka blue alert status na ang Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO bilang paghahanda sa nalalapit na Undas.

Ayon kay Vincent Chiu, Operations Supervisor ng Pangasinan PDRRMO, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, layunin ng hakbang na ito na lalo pang mapaigting ang kahandaan at seguridad sa ilalim ng Oplan Undas.

Nagsagawa na rin ng pre-disaster meeting ang ahensya, kasama ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang national at provincial agencies, upang pag-usapan ang koordinasyon at kahandaan ng bawat tanggapan

--Ads--

Samantala, ang PNP, BFP, at Philippine Coast Guard ay nagdagdag na rin ng kanilang mga tauhan sa mga estratehikong lugar sa lalawigan partikular na sa mga sementeryo at simbahan na inaasahang dadagsain ng mga tao sa paggunita ng Araw ng mga Patay.

Patuloy naman ang paalala ng mga awtoridad sa publiko na maging maingat at iwasang magdala ng mga ipinagbabawal sa mga pampublikong lugar ngayong Undas.