‎Isinagawa sa Mangaldan Primary Care Facility ang libreng breast at cervical cancer screening, katuwang ng Department of Health Ilocos Region at Municipal Health Office sa bayan.

Mula alas-otso ng umaga hanggang alas-tres ng hapon, dinaluhan ito ng mga residente upang magpasuri at kumonsulta.

Layunin ng programa na mapalawak ang access ng kababaihan sa maagang pagtuklas ng kanser.

‎Kabilang sa isinagawang pagsusuri ang Visual Inspection of the Cervix with Acetic Acid o VIA test para sa cervical cancer screening at breast examination para sa maagang pag-detect ng sakit.

Kasabay nito, nagbigay rin ng libreng check-up at konsultasyon ang Rural Health Unit upang matugunan ang iba pang pangangailangang medikal ng mga mamamayan.

‎Sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, patuloy ang pagtataguyod ng lokal na pamahalaan ang pagpapaigting ng serbisyong pangkalusugan para sa mas maagang pag-iingat laban sa mga sakit.