Dagupan City – Nasaksak ang isang 24-ayos na lalaki na nagsanhi ng sugat sa kanyang katawan nang nagkaroon ng pagtatalo sa kainuman sa bayan ng San Nicolas.

Ayon sa mga saksi, ang biktima, kasama ang suspek at anim pang iba, ay nag-iinuman nang magsimula ang pagtatalo sa pagitan ng biktima at suspek.

Sa gitna ng kanilang pagtatalo, bigla umanong bumunot ang suspek ng isang double-bladed na kutsilyo mula sa kanyang bulsa at sinaksak ang biktima.

--Ads--

Nagresulta ito sa mga saksak sa dibdib at likod ng biktima na dahilan kaya agad siyang dinala sa Eastern Pangasinan District Hospital sa Tayug para sa agarang medikal na atensyon.

Kinilala ang suspek na isang 57-anyos na may asawa at residente rin ng San Nicolas kung saan tumakas itomatapos ang insidente.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng hot pursuit operation ang mga awtoridad ng San Nicolas Police Station upang mahuli ang suspek.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente upang matukoy ang motibo at iba pang detalye ng krimen.