Nanawagan si Argel Cabatbat, chairman ng Magsasaka Partylist, na gawing matindi at may kongkretong resulta ang isinasagawnag imbestigasyon ng Senado hinggil sa malawakang agricultural smuggling sa bansa.
Ito ay matapos lumabas sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture na ilang opisyal mula sa Bureau of Customs (BOC), National Bureau of Investigation (NBI), Department of Agriculture (DA), Department of Justice (DOJ), at Bureau of Immigration ang umano’y sangkot sa pagpapahintulot sa mga Chinese smugglers at kanilang mga lokal na kasabwat.
Ayon kay Cabatbat , bagama’t positibong hakbang ang pagpapatuloy ng imbestigasyon, nananatiling hamon kung magbubunga ito ng tunay na pananagutan.
Sa mga nakaraang taon, patuloy pa ring nakapapasok sa merkado ang mga smuggled agricultural products gaya ng sibuyas, bigas, at isda, na labis na nakaaapekto sa lokal na produksyon at kabuhayan ng mga magsasaka.
Tinukoy din na kamakailan ay nasabat sa Subic Port ang humigit-kumulang P68 milyong halaga ng frozen mackerel na ipinasok gamit ang maling deklarasyon.
Batay sa mga pahayag sa Senado, ang naturang operasyon ay patunay na patuloy pa rin ang talamak na katiwalian sa loob ng Bureau of Customs at iba pang kaugnay ng ahensya.
Sa kabila ng mga pagka-aresto, nananatiling malalim at matagal nang naka-ugat ang mga sindikatong sangkot sa smuggling.
Kaya naman hinimok ni Argel ang pamahalaan na opagpatuloy ang imbestigasyon at siguraduhing managot ang lahat ng sangkot upang maprotektahan ang lokal na sektor ng agrikultura.










