Hindi na nasupresa ang isang political analyst sa pagbaba ng trust rating at approval rating ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ilan pang halal na opisyal sa bansa.
Ayon kay Atty. Francis Dominick Abril, legal at political consultant, ang paglabas ng mga ganitong uri ng survey kahit malayo ang election ngunit may may lumalabas na ganitong surbey na senyales kung ano ang iiwan ng administrasyon na tatatak sa taumbayan.
Ito aniya ang pagkakataon na galingan pa ang kanilang trabaho at malaking hamon sa kanila para mapanumbalik at manatili ang tiwala sa kanila ng mamamayang Pilipino.
Matatandaan na bumagsak ang trust rating nina PBBM at VP Sara Duterte sa gitna ng kasagsagan ng public awareness sa korapsyon sa gobyerno lalo na sa public works, ayon sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS).
Ipinalabas ang resulta, kung saan makikitang bumaba sa 43% mula sa 48% ang trust rating ni Pangulong Marcos sa buwan ng Hunyo habang bumaba naman ang trust rating ni VP Sara sa 53% mula sa 61% sa kaparehong panahon.