DAGUPAN CITY- ‘Historical’ sa bansang Japan ang pagkakatalaga kay Sanae Takaichi bilang kauna-unahang babae na mauupong punong ministro ng bansa.
Ayon kay Hannah Galvez, Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, si Takaichi ang ika-104 na prime minister at maraming inaasahan ang mga residente sa kaniyang liderato.
Aniya, positibo man ang mga Japanese sa panibagong simula ng kanilang bansa dahil tunay itong nakikinig sa publiko.
Subalit, hindi naman nawala ang mga negatibong pananaw mula sa kalapit bansa, tulad ng China at South Korea.
Ito ay dahil na rin sa pro-Taiwan ito na tiyak ay taliwas ang China at nais rin nito paigtingin ang US-Japan Alliance.
Habang marami naman itong nais isulong sa Japan, tulad ng pagpapatuloy ng ‘Abenomics’ ni former PM Shinzo Abe at iba pang mga pagbabago sa kasanayan ng bansa tulad ng pagpili ng apelyido ng isang babaeng asawa.
Magkakaroon din ito ng impact sa mga immigrants dahil sa malaking pangangailangan ng karagdagang trabahador sa Japan.
Si Takaichi ay isang manunulat at news anchor sa probinsya ng Nara kung saan siya nagmula.
Hanggang sa pinasok niya ang politika sa kanilang probinsya at kalaunan ay sinubukang tumakbo sa pagiging prime minister.