DAGUPAN CITY – Hindi umano inaalis ang posibilidad na may sabwatang naganap o pinagplanuhan ng sindikato ang pagnanakaw sa Louvre Museum sa Paris, France.

Sa Panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Vladelyte Valdez, bombo International News Correspondent sa France, sinabi nito na lahat ng anggulo ay tinitignan ng mga otoridad at umaasa na mabawi ang lahat ng mga nawala.

Ngunit ang problema aniya ay kung idismantle ng mga kawatan ang mga ninakaw na alahas na ilang taon ding pinangalagaan at maaring hindi na maibalik pa ang dating mga hugis.

--Ads--

Tinitignan aniya ngayon ang malaking pagkakamali sa pagbibigay ng seguridad sa lugar.

Napakabilis aniya ng mga pangyayari dahil maaring inakalang mga repairmen ang mga kawatan dahil may mga dala dala silang pambukas at tinakot din ang mga guwardya kung kayat hindi napag handaan.

Samantala, para umanong may nawala sa parte ng kanilang buhay ang mga mamamayan doon sa pangyayari dahil ang mga ninakaw ay naging bahagi na ng kanilang buhay at kasaysayan ng bansa.

Matatandaan na nakuha ng mga kawatan ang walong mga kakaiba at mamahaling uri ng mga alahas.

Ilan sa mga ninakaw ay ang emerald necklace at isang pares ng hikaw mula kay Empress Marie Louise; brooch na kilala bilang “reliquary brooch”; Tiara at brooch na pag-aari ni Empress Eugene ang asawa ni Napoleon III at isang tiara, kuwentas at single earing mula sa sapphire set na galing kay Queen Marie-Amelie at Queen Hortense.