Dagupan City – Suportado ni Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino ang panukalang pagdaragdag ng dalawang bagong distrito sa lalawigan matapos itong ihain sa kamara.
Ayon kay Lambino, naging anim ang mga distrito ng Pangasinan nang maipasa noon ang Legislative measure, kaya’t makatuwiran lamang na madagdagan ito lalo na’t may mga probinsyang sabay na nagpasa ng panukala noon ang nadagdagan na ang bilang ng kanilang mga distrito.
Kung pagbabatayan kasi aniya ang populasyon at iba pang salik, pasok na pasok na ang Pangasinan para sa karagdagang distrito.
Dagdag pa niya, sapat na umano ang 250,000 populasyon upang mabigyan ng sariling kinatawan sa Kongreso.
Sa nakalipas na dalawang dekada, nakita na rin aniya ang posibilidad ng pagdagdag ng mga distrito sa probinsya.
Sa panukalang ito, mula sa kasalukuyang anim, magiging walo na ang mga distrito sa Pangasinan.
Ipinaliwanag din ni Lambino na kapag naisakauaran ito ay mananatili ang kasalukuyang First District, ngunit magkakaroon ng pagbabago sa komposisyon ng mga Distrito 2, 3, 4, 5, at 6.
Nilinaw rin niya na walang masamang epekto ang nasabing panukala sa lalawigan.
Sa halip, madaragdagan pa umano ang boses ng mga Pangasinense sa pambansang