Patuloy na sinusuportahan ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 1 ang mga produkto ng mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay OIC Assistant Regional Director Nathalia Dalaten ng DTI Region 1, sumailalim sa serye ng mga pagsasanay o training ang mga MSMEs bago sila lumahok sa Manila FAME.

Bago ang kanilang paglahok sa Manila FAME, nagsasagawa muna ang DTI ng initial screening sa mga MSMEs. May mga kinakailangang requirements para makasali sa international trade fair at exhibit, kaya tinutulungan ng DTI ang mga MSMEs na makumpleto ito.

--Ads--

Kabilang dito ang kumpletong business permit, business registration, pagsailalim sa product development, at pagkakaroon ng mga training tulad ng product costing and pricing at negotiation skills.

Pati ang pagpili ng mga produkto ay dumadaan sa screening at sumasailalim sa product development. Bukod dito, ang provincial government ay nag-hire ng mga designer upang tulungan ang mga MSMEs na maging kwalipikado ang kanilang mga produkto sa international market.

Dagdag pa ni Dalaten, nagkakaroon na rin ng mga kontak ang mga MSMEs sa mga international buyers, na isang malaking hakbang para sa kanilang paglago at tagumpay.