Dagupan City – ‎Isang daang Grade 12 students mula sa Mangaldan National High School ang lumahok sa seminar na tumutok sa media and information literacy sa gitna ng lumalalang banta ng digital misinformation.

‎Pinangunahan ang programa ng isang unibersidad sa La Union katuwang ang lokal na pamahalaan ng Mangaldan, bilang bahagi ng inisyatiba para ihanda ang kabataan sa mas maingat na paggamit ng digital generation.

‎Tinalakay sa seminar ang paglaganap ng pekeng balita, disinformation, at mga manipuladong content na lumalaganap online.

‎Binanggit din ang pagdami ng AI-generated content gaya ng deepfakes na ginagamit para manlinlang at magpakalat ng maling impormasyon.

‎Sa pagtatapos ng seminar, nagkaroon ng bukas na talakayan kung saan nagbahagi ang mga mag-aaral ng kanilang pananaw at pangako na maging mas maingat at responsable sa paggamit ng social media.