Nakakaramdam na ng mga pag ulan hindi lang sa lalawigan ng Pangasinan kasama rin ang halos Southern at Central Luzon dahil sa bagyong Ramil.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Gener Quitlong weather forecaster ng PAG-ASA Dagupan, una na nitong tinaya na na kung hindi magbabago ang bilis at galaw ng bagyo, ngayong alasingko ng hapon ay nasa lalawigan na ito.

Kung ikumpara naman aniya sa mga nagdaang bagyo, hindi kasinglakas ang tropical storm sa mga naunang bagyo.

--Ads--

Ang lakas ng hangin lamang nito ay nasa 65 kph at nasa kalupaan na kaya maaaring humina pa ito.

Ipinaliwanag nito na kapag nasa kalupaan na ang bagyo ay hindi na ito lumalakas at mamimintina lamang ang lakas.

Sa kasalukuyan ay nasa signal no. 2 ang lalawigan na ibig sabihin ay nasa 62 hanggang 88 kph ang lakas ng hangin at ang baybaying dagat ay maalon hanggang sa napakaalon.

Dahil dito ay pinapayuhan ang nga mangingisda na iwasan na pumalaot dahil mapanganib lalo sa mga malilit na sasakyang pandagat.

Samantala, inaasahan na hanggang o bukas ay nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility.