Maaaring kaharapin ng isang pulis ang isang kasong administratibo sakaling sangkot ito sa ilegal na pagpapautang ng pera na may mataas na interes.
Ayon kay Atty. Joey Tamayo, co-anchor ng programang Dura Lex Sed Lex ang ganitong gawain ay malinaw na labag sa alituntunin ng pagiging isang miyembro ng kapulisan.
Aniya ang mga pulis ay itinuturing na mga lingkod-bayan at may mga alituntuning dapat sundin.
Kapag ang isang pulis ay sangkot sa pagpapautang, lalo na kung ito’y ginagawa sa kanyang nasasakupan, nagkakaroon ito ng conflict of interest.
Dagdag pa ni Atty. Tamayo, may posibilidad din na malagay sa alanganin ang tungkulin ng pulis sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad.
Nilinaw rin niya na ang mga ganitong gawain ay maaaring mauwi sa suspensyon o mas matinding parusa kung mapatunayang lumabag sa mga patakaran ng serbisyo sibil.