DAGUPAN CITY- Nakakainsulto para sa Pamalakaya ang pabisita ng isang opisiyal ng US Embassy sa Ghost Flood Control Inquiry ng Independent Commission for Infrastrusture (ICI).

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Fernando Hicap, Chairperson ng nasabing grupo, pilit nanghihimasok ang Estados Unidos sa isyu ng bansa kahit hindi naman sila bahagi nito.

Giit niya na nakakabahala ito dahil nakakapasok ang ibang bansa sa pagdinig subalit hindi naman ito isinasapubliko.

--Ads--

Walang nakikita si Hicap na magandang rason para ipasok sa eksena ng internal affairs ang ibang bansa maliban na lamang kung ito ay may impluwensya sa itinatagong sistematikong kurapsyon.

Aniya, hindi sila makakatulong bagkus, makakadagdag lamang sa galit ng taumbayan.

At ang galit ng mga kabataan ay malinaw na pagkalampag sa ‘transparency’ sa isinasagawang pagdinig ng ICI.

Alam umano ng taumbayan Pilipino na may pagmamaniobra sa pagpapanagot kaya hanggang sa kasalukuyan ay wala pang napapakulong na mastermind.