DAGUPAN CITY- Pinaghahandaan na ng Commission on Elections (Comelec) Alacala ang pagbubukas ng voters’ registration sa October 20 para sa November 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Roberto Pagdanganan, Election Officer III ng nasabing tanggapan, batay sa Resolution 11177, magtatapos sa December 29 ang nasabign registration ng mga nais bumoto.

Aniya, maaaring magparehistro o magpa-reactivate via online ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) hanggang April 24, 2026.

--Ads--

Pinaliwanag naman ni Pagdanganan na maaari nang magparehistro ang nasa edad 18 basta lamang ay isa (1) taon na itong naninirahan sa bansa at anim (6) buwan naman sa lugar kung saan sila magpaparehistro.

Habang anim (6) na buwan naman para sa 15-anyos boboto sa SK.

Magpapatupad din muli ng Satellite registration upang maabot pa ang mga nais magparehistro.

Highlight din sa mga kabisera ng bawat probinsya sa bansa ang Register Anywhere Program (RAP).

Pinahaba na ang pagpaparehistro ngayon dahil kabilang na ang pagtransfer of registration ang mga gustong botante.

Paalala niya na kinakailangan maging kumpleto ang kanilang address sa pagpaparehistro.

Magkakaroon naman sila ng precinct mapping ang bawat tanggapan upang tulungan ang mga botante na matukoy kung saan sila boboto.

Samantala, umaabot sa 3,000 ang target ng Comelec Alcala na magpaparehistro sa kanilang bayan.

Sa darating na weekend ay magkakaroon sila ng Barangay Assembly upang ipakalat ang mga impormasyon hinggil sa pagpaparehistro.