DAGUPAN CITY – Tinawag ang pangulo ng Amerika na “president of peace.”

Ganito inilarawan ni Marissa Pascual, Bombo International News Correspondent, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan si US president Donald Trump kaugnay ng matagumpay na ceasefire deal na nagresulta sa paglaya ng mga bihag na hawak ng Hamas sa loob ng mahigit dalawang taon.

Ayon kay Pascual, ipinagmamalaki ng Amerika na mayroon silang pangulo na ang magiging pamana sa kasaysayan ay pagiging “president of peace.”

--Ads--

Nakatanggap ng standing ovation si Trump mula sa mga mambabatas ng Israel, mga lider sa Gitnang Silangan, at halos buong mundo dahil sa pagkamit ng kapayapaan sa rehiyon.

Dagdag pa niya, labis ang kagalakan at pasasalamat ng mga Amerikano dahil sa pagkakaroon ng lider na iniisip hindi lamang ang sariling bansa kundi pati ang kapakanan ng ibang mga bansa.

Matatandaang ang mga pinalayang bihag ay hawak ng Hamas sa loob ng mahigit dalawang taon.

Nakasaad din sa nasabing ceasefire deal na magpapalaya ang Israel ng humigit-kumulang 2,000 bilanggo na Palestino.

AV MARISSA