Mga kabombo! Isa nga ba kayo sa mga sumama sa mga isinasagawang peace rally o rally laban sa corruption sa bansa?

Nakakita na ba kayo ng mga rally na tila overload ang creativity?

Nako! Baka magulaat kayo sa rally na ito sa Portland Oregon!

--Ads--

Paano ba naman kasi, isang kakaibang uri ng protesta ang isinagawa ng mga residente ng Portland, Oregon sa United States nitong October 12 matapos magbisikleta nang nakahubad sa gitna ng malamig na panahon.

Ayon sa ulat, ang protesta ay bilang pagtutol sa plano ni US President Donald Trump na magpadala ng mga sundalo sa kani­lang lungsod.

Tinawag itong “emergency edition” ng kanilang taunang World Naked Bike Ride, isang tradisyon sa Portland kung saan libu-libong tao ang nagbibisikleta nang hubad bilang paghahayag ng pagkakaisa.

At sa pagkakataon ngang ito, ginamit ng mga mamamayan ang aktibidad upang tutulan ang utos ng pamahalaan na magpadala ng tropa para supilin ang mga kilos-protesta sa kanilang lugar.

Ang mga kalahok ay naglibot sa lansangan patungo sa gusali ng U.S. Immigration and Customs Enforcement.

Nakabantay naman ang mga pulis at pina­payuhan silang manatili sa bikelane upang hindi maaresto.

Mula pa noong 2004, kilala ang Portland sa mga ganitong malikhaing demonstrasyon para ipahayag ang kanilang pagtutol sa inaakala nila ay panunupil sa kanilang karapatan.