DAGUPAN CITY- Humiling ang Dagupan City Police Office ng karagdagang pagtaas ng kanilang budget sa 2026 na nagkakahalaga ng P18.5 million, mula sa dating P7.75 million.

Ayon kay PLtCol. Lawrence Keith Calub, Officer in Charge ng Dagupan City Police Office, ang pagtaas na ito ay dahil sa pag-upgrade ng kanilang tanggapan upang makasabay sa kinakailangang mga aktibidad.

Aniya, bagaman itinaas na sila sa pagiging City Police Office, magtatayo sila ng karagdagang Police Stations.

--Ads--

Kabilang sa pagtatayuan ay sa Lucao, Caranglaan, Bolosan, Calmay, at Bonuan-Bincloc.

Para sa pagpapabuti pa ng serbisyo at pagresponde, kinakailangan naman nila ng motor vehicles.

Magkakaroon din ng karagdagang police personnel para sa traffic enforcement unit, tourist police, at city mobile force company.

Ito ay may kabuoan ng 800 deployed personnel para matiyak ang kaayusan sa syudad ng Dagupan.