Mga kabombo! Isa ka ba sa mga partner na conservative?

Naku! Baka ito na ang chance mo para pagkakitaan ang partner mo?

Paano ba naman kasi, may isang babae sa Henan province ng China ang humihingi ng “hugging fee” mula sa pagyakap ng kaniyang asawa.

--Ads--

Nakakalito ba? Ayon sa ulat, kinansela ng hindi pinangalanang babae ang pagpapakasal ilang linggo bago ang wedding day, ngunit nais niyang itago ang bahagi ng “bethrotal gift”, na nagkakahalaga ng 30,000 yuan o katumbas ng humigit-kumulang 234,000 bilang kabayaran sa “yakap” at iba pang gastusin.

Ang betrothal gift kasi ay karaniwang kaugalian sa China kung saan nagbabayad ang pamilya ng lalaki sa pamilya ng babae.

Sa kasong ito, tumanggap ang babae ng 200,000 yuan o katumbas ng humigit-kumulang 1.56 milyon mula sa pamilya ng kanyang fiance.

Gayunman, ilang linggo bago ang kasal na nakatakda sana sa November nagpasya siyang huwag itong ituloy dahil ayaw na niyang pakasalan ang lalaki.

Dahil dito, nagkasundo ang dalawang pamilya na ibabalik ng babae ang humigit-kumulang 1.33 milyon sa lalaki.

Ngunit humiling siya na itago ang 30,000 yuan na ibawas, bilang “hugging fee.”

Naging viral ang insidente sa Chinese social media platforms, na umabot sa 23 million views.

Nangyari ang “yakap” na tinutukoy ng babae sa wedding photo shoot kung saan hiniling ng photographer sa lalaki na yakapin siya.

Bagama’t karaniwan ang mga kaso ng pagtanggi ng mga babae na ibalik ang bethrotal gift, pagkatapos kanselahin ang kasal, ang paghingi ng “hugging fee” ay nagbigay ng bagong per­pektibo sa usaping ito.