Isa umanong makasaysayang pangyayari sa bagong Middle East ang pagsasakatuparan ng palitan ng mga bihag ng Israel at Hamas.

Ganito isinalarawan ni US President Donald Trump ang pagpapalaya ng Hamas ng kanilang huling nabubuhay na Israeli Hostages bilang pagtupad sa ceasefire deal na pinangunahan ng Estados Unidos.

Kinumpirma ng Israeli military na buhay ang mga ito nang kanilang tanggapin matapos ilipat ang mga ito ng Red Cross mula sa Gaza.

--Ads--

Libo-libo naman ang nagdidiwang sa Tel Aviv habang inaabangan ang pagdating ng mga bihag sa “Hotage Square”.

Bahagi rin ng kasunduan ang pagpapalaya ng Israel ng mga Palestinian prisoners at detainees.

Nakarating na ang mga ito sa Gaza Strip at Israeli-Occuppied West Bank.

Ginupitan ang buhok ng mga ito at napakapayat ng kanilang itsura.

Saad pa ni Trump na kalmado na ang sitwasyon at wala nang mga alingawngaw ng mga baril, habang patuloy pang naririnig ang ingay mula sa mga sirena.