Nanawagan si Volts Bohol, Presidente ng ATOM 21 Movement, ng mas malalim na pananagutan mula sa pamahalaan, at binigyang-diin ang mas aktibong partisipasyon ng mga Pilipino sa laban kontra katiwalian.
Ayon sa kanya, mahalagang maipakita ng mga mamamayan na hindi sila basta nanonood lamang, kundi aktibong nagbabantay sa mga nangyayari sa gobyerno.
Aniya ang paulit-ulit na problema ng bansa ay bunga ng kawalan ng tunay na accountability.
Kayat kung gusto natin ng long-term change ay dapat na may managot.
Binatikos din nito ang matagal nang isyu ng political dynasty sa bansa, na aniya’y sagabal sa tunay na demokrasya.
Ang susunod na dapat bigyang pansin ay ang pagbawal sa political dynasty.
Bukod dito kailangang maintindihan ng taumbayan na may malaking papel sila sa pagpapatakbo ng gobyerno.
Hindi, aniya, pagbibitiw lamang ng mga opisyal ang solusyon.
Sa halip, kailangan ang matibay na inisiyatibo upang papanagutin ang mga nagkasala.
Patuloy ang panawagan ng ATOM 21 Movement para sa isang gobyernong makatao, responsable, at tunay na naglilingkod sa taumbayan.