DAGUPAN CITY – Libu-libong tao ang nagtipon sa isang malaking rally sa Tel Aviv, bago ang inaasahang pagpapalaya ng mga bihag ng Hamas.
Sa kanyang talumpati sa harap ng karamihan, sinabi ni US Special Envoy Steve Witkoff na ang mga bihag ay “pauwi na” at pinuri si US pres. Donald Trump sa kanyang naging papel sa pagkakaroon ng kasunduan sa tigil-putukan sa Gaza at sa pagpapalaya ng mga bihag.
Sa Gaza naman, iniulat ng mga opisyal ng Palestino na humigit-kumulang 500,000 katao ang bumalik sa hilagang Gaza na ngayon ay wasak na sa nakalipas na dalawang araw matapos umatras ang mga tropang Israeli.
Samantala, kinumpirma ng Egypt na magho-host ito ng isang summit sa Lunes upang tapusin ang kasunduan na layong wakasan ang digmaan.
Ayon sa tagapagsalita ng pangulo ng Egypt, mahigit 20 lider kabilang si Trump ang dadalo sa summit sa Sharm El-Sheikh.
Nakumpirma ring bibiyahe patungong Egypt sa Lunes sina French President Emmanuel Macron at UK Prime Minister Sir Keir Starmer.