Dagupan City – Ikinararangal ni Manaoag Mayor Jeremy “Doc Ming” Rosario, kasalukuyang Pangulo ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) – Pangasinan Chapter, ang kanyang pagkakatalaga bilang Senior Presidential Adviser sa LMP National Office.
Kinumpirma ni Mayor Rosario na pormal nang nanumpa ang lahat ng LMP Provincial Presidents noong ika-7 ng Oktubre sa Malacañang, kasabay ng League of Cities of the Philippines sa kani-kanilang tungkulin.
Nagkaroon din sila ng pagkakataong makipag-pulong kay Pangulong Ferdinand “Bong-Bong” Marcos Jr. tungkol sa mga napapanahong isyu sa bansa.
Sa kanyang bagong posisyon kabilang ang isa pang opisyal sa parehong posisyon nq mula sa Bocaue, Bulacan.
Magsisilbi silang adviser ni National President ng LMP, Mayor Francis Faustino Dy ng Echague, Isabela na magbalangkas ng mga polisiya at programa na magsusulong ng paglago at pag-unlad ng mga munisipalidad sa buong bansa.
Binigyang-diin ni Mayor Rosario ang malaking papel ng mga lokal na opisyal sa pagtugon sa mga napapanahong isyu, lalo na ang mga proyekto para sa flood control.
Dagdag pa niya, binibigyan sila ng pagkakataong magbigay ng kanilang boses upang mapakinggan ang kanilang pagtutok hinggil sa mga National Funded Project sa kanilang mga bayan upang matiyak na ang mga ito ay naisasagawa nang maayos at epektibo.