Mga kabombo! May mga kakilala ba kayo na mahilig sa wig?

Kaya niyo bang magbayad ng tinatayang P14,000 para lamang sa mga maliliit na wigs? Take note, isa itong pubic hair wig!

Yes! You read it right! Ito kasi ang trend sa ngayon!

--Ads--

Kung saan, ang mga kababaihang Russian ay nagbabayad ng hanggang 20,000 rubles (humigit-kumulang 13,900 pesos) para sa maliliit na wigs na idinidikit nila sa kanilang pubic area upang magkaroon ng mas natural na hitsura.

Ayon sa Russian media, biglang sumikat ang popularidad ng pubic hair wigs sa mga nakaraang buwan, na dala ng isang ­“naturalness trend” na laganap ngayon sa Russia.

Mga kabataang lalaki at babae ang namimili sa mga specialty online stores at marketplaces upang maghanap ng mga realistic na pubic wigs.

Ang dahilan sa likod ng kakaibang aksesorya na ito ay simple: Nais ng karamihan na sundin ang natural na hitsura ng kanilang ibaba, ngunit ayaw namang patubuin ang sariling buhok sa iba’t ibang kadahilanan.

Ang ilan naman ay nagpa-permanent hair removal na, habang ang iba ay ayaw lang ng pangangati ng pagpapahaba ng buhok doon, kaya ang mga wigs ang perpektong solusyon.

Ayon sa ilang Russian news websites, ang presyo ng pubic hair wigs ay naglalaro mula 600 rubles (400 pesos) hanggang 5,000 rubles (3500 pesos).

Ngunit aba! Mas expensive raw ito kapag ang mga wig ay gawa sa natural na materyales, na nagsisimula sa 20,000 rubles (13,900 pesos).