Puspusan ang paghahanda ng Barangay Bolosan para sa posibleng pagsali nito sa BCPC o Barangay Council for the Protection of Children na isang kompetisyon sa National.

Layunin nito na mapalakas ang proteksyon at kapakanan ng mga kabataan sa kanilang barangay at iaayos ang mga pasilidad na nagbibigay ng tulong sa mga bata.

Ayon kay Kapitan Nancy Morris, na hindi pa sigurado kung sila ang magrerepresenta sa lungsod dahil sa October 13 palang magkakaroon ng bonutan o draw lots kung sino ang barangay na maaring ilaban dito.

--Ads--

Aniya na mahalagang nakahanda sila para ipakita ang mga inayos at pinaganda na mga lugar para sa mga bata gaya ng Clinic, Day Care Center, Gulayan sa Barangay at iba pa.

Saad pa nito na kapag mabunot sila ay maituturing itong first time na sumali ang kanilang Barangay .

Mahalaga aniya ang pagbuo ng isang aktibo at epektibong BCPC upang matugunan ang mga isyu at hamong kinakaharap ng mga kabataan sa kanilang komunidad.

Layunin nitong magkaroon ng isang barangay kung saan ang bawat bata ay ligtas, malusog, at may pagkakataong umunlad.

Naglaan naman ng mga pondo ang barangay para dito katuwang ang Sangguniang Kabataan para sa mga programa at proyekto na naglalayong suportahan ang kapakanan ng mga bata, tulad ng mga feeding program, educational assistance, at recreational activities.

Umaasa ang Barangay Bolosan na sa pamamagitan ng kanilang pagsisikap, mas magiging ligtas at maunlad ang kinabukasan ng mga kabataan sa kanilang barangay.