Nagtayo ng mga tent ang lokal na pamahalaan ng Malasiqui, Pangasinan sa labas ng pampublikong pamilihan bilang bahagi ng hakbang para sa kaayusan at maayos na daloy ng trapiko sa paligid ng palengke.
Bukod sa layuning matulungan ang mga nagtitinda at mamimili, isinagawa rin ang tent installation upang mas maayos na maihanay ang mga sasakyang pumapasok at lumalabas sa terminal ng mga pampasaherong tricycle (TODA) na malapit sa palengke. Inaasahang makatutulong ito sa pagbawas ng pagsisikip ng mga sasakyan sa lugar.
Ang nasabing inisyatiba ay bahagi ng patuloy na proyekto ng LGU para sa mas organisadong pamilihan at mas ligtas na pampublikong espasyo. Mahigpit ding ipinatutupad ang mga panuntunan sa paggamit ng inilaan na mga espasyo upang matiyak ang kaayusan.
Pinapaalalahanan ang mga operator ng TODA, mga tindero, at mamimili na sundin ang mga alituntunin sa lugar habang nagpapatuloy ang mga pagbabago sa paligid ng pamilihan.