DAGUPAN CITY- Hindi na umano nakakagulat ang pagkatalaga kay Justice Sec. Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla bilang bagong Ombudsman subalit dapat itong bantayan sa kredibilidad ng trabaho nito.
Hinahamon ni Raymond De Vera Palatino, Secretary General, Bagong Alyansang Makabayan, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, ito na maging independent ito upang hindi mapagtakpan ang pang-aabuso ng mga matataas na opisyal na malapit sa kaniya, partikular na sa pangulo.
Aniya, obligasyon naman ng Malakanyang ngayon na magbigay ng sapat na dahilan kung bakit si Remulla ang pinili sa naturang pwesto.
Ito ay upang mabigyan kaliwanagan ang mga agam-agam na maaaring bahagi ito ng pamomolitika.
Nakilala rin kase si Remulla bilang bahagi ng isang political party na mula sa Political Dynasty.
Gayunpaman, isang mahalagang maunawaan na maging sino man ang ombudsman ay mapanagot nito ang dapat mapanagot, sino man o anuman ang pwesto niyo sa bansa.
Sa pananaw ni Palatino, isang magandang bagay na unahin pagtuonan ni Remulla ang maanumalyang flood control project, kasunod ang iba pang infrastructure corruption.
Maliban pa riyan, dapat maging daan ang bagong Ombudsman na mabuksan sa publiko ang SALN ng mga politiko nang hindi na kinakailangan ng waver, gayundin sa mga kamag-anak na kwestyonable ang yaman.