Dagupan City – ‎Daan-daang family food packs ang ipinamahagi sa mga residente ng Barangay Calmay matapos ang matinding pinsalang dulot ng kalamidad. Sa tulong ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, naging mabilis at organisado ang distribusyon ng ayuda.

‎Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang operasyon, katuwang ang lokal na pamahalaan ng Dagupan, disaster management office ng lungsod, at mga kinatawan mula sa rehiyonal na tanggapan ng DSWD.

Nakipagtulungan din ang kapulisan, bombero, at mga kawani mula sa city at barangay level upang matiyak ang maayos na daloy ng pamamahagi.

‎Aktibo ring tumulong ang mga barangay council, frontliners, at volunteers na siyang nagsilbing tulay sa pagitan ng mga ahensya at mga pamilyang nasalanta.

Layon ng inisyatibo na maabot agad ang mga nangangailangan upang hindi na lumala pa ang epekto ng kalamidad sa komunidad.

‎Bahagi ito ng direktang pagtugon ng National Government para sa mga pamilyang naapektuhan.

--Ads--

Patuloy naman ang monitoring at pagbibigay ng karagdagang suporta habang unti unti ang pagbabalik ng kaayusan sa lugar.