DAGUPAN CITY- Mas pinaigting ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang koordinasyon sa ibat-ibang emergency response agency gaya ng Pnp, Rural Health Unit (RHU), at Bureau of Fire Protection (BFP) sa bayan ng San Jacinto upang tiyaking handa at sapat ang gamit na pangresponde sa oras ng sakuna.

Ayon kay mdrrmo Head na si Lilibeth Sison, Sa isinagawang pagpupulong, tinalakay ang aktwal na lagay ng rescue equipment sa buong bayan mula sa mga basic life-saving tools hanggang sa medical supplies.

Kasama rito ang pag-inventory at pagsigurong gumagana ang bawat kagamitan.

Kabilang sa mga napagkasunduan ang mas mahigpit na pakikipag-ugnayan ng emergency response team sa mga barangay para sa mas mabilis na pagresponde sa oras ng insidente.

Sa ganitong paraan, hindi lamang mga pangunahing ahensya ang kikilos, kundi maging ang mga barangay level responders ay agad na makakakilos sa mga unang minuto ng emergency.

Nagsagawa na rin ng actual drill ang iba’t-ibang ahensya para sa mas maayos na pagresponde sa mga insidente

Bahagi rin ng koordinasyon ang pagbibigay ng suporta ng RHU sa mga kagamitang medikal, habang ang PNP naman ang inaasahan sa logistical at seguridad na aspeto tuwing may operasyon.

--Ads--

Dagdag pa rito, katuwang din ang BFP sa pagpapatibay ng inter-agency cooperation, lalo na sa mga insidenteng nangangailangan ng fire rescue operations.

Sa kabuuan, ang pinagsama-samang hakbang na ito ay layong paghusayin ang kakayahan ng mga ahensya na tumugon sa anumang uri ng sakuna para mas mapabilis, mas organisado, at mas epektibo.