Naghahanda na sa pagsasagawa sa lalong madaling panahon ng disposal ng mga nakumpiskang ilegal na droga, kabilang na ang mga isinurender na tinatawag na “floating shabu.

Ayon kay Atty. Benjamin Gaspi, Director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region I, inaayos na ang lahat ng mga dokumento at koordinasyon para maisagawa ang disposal ng mga droga sa tamang paraan.

Kasama na rito ang mga isinurender na floating shabu.

--Ads--

Aniya sa mga susunod na araw ay inaasahang magkakaroon ng mas malalim na diskusyon kaugnay ng mga nakumpiska at isinurender na kontrabando.

Ipinaliwanag din ni Atty. Gaspi na depende sa availability ng pasilidad, maaaring isagawa ang pagsusunog ng droga sa alinmang accredited na disposal site.

Wala pa umanong ibinibigay na eksaktong petsa ng pagsusunog, ngunit tiniyak ng PDEA na ito ay isasagawa sa lalong madaling panahon upang masiguro ang kaligtasan ng publiko at ang transparency ng kanilang operasyon.