Dagupan City – Arestado ang 42-anyos na babae sa Florida matapos “magnakaw” ng motorized shopping cart para idrive ito sa Airport.
Kinilala ito na si Robin Zick kung saan ay minaneho nito ang isang motorized shopping cart mula sa Publix patungong Airport Road.
Ayon sa mga pulis, pinuntahan nila ang supermarket matapos makatanggap ng ulat at nagtanong sa store manager, na nagsabing nakita ang isang babae na pumasok sa kanilang tindahan, kinuhang ang cart, at minaneho ito palabas.
Dito na ito sinundan ng isang deputy hanggang sa isang gasolinahan — halos isang milya ang layo mula sa Publix — kung saan nakita siyang nakaupo pa rin sa nakaw na cart.
Ang nasabing cart ay nasa tinatayang nagkakahalaga ng $2,500 (mga ₱147,000).
Gumawa pa ng tawag sa pamamagitan ng telepono si Zick bago siya mahuli, kaya rinig ang tawag ng emergency medical services habang isinasagawa ang apprehension.
Ayon sa kanya sa pulis, kinuha niya ang cart upang magamit papunta sa kanyang medical appointment, at plano raw niyang isauli ito pagkatapos.
Dinala siya sa ospital para sa pagsusuri bago tuluyang ikinulong.
Nahaharap siya ngayon sa kaso ng grand theft kaugnay sa insidente.