DAGUPAN CITY- Ibang-iba ang pamamaraan ng paggunita ng Teachers’ Day sa bansang Thailand, subalit hindi naiiba sa Pilipinas ang pagbibigay ng respeto sa mga guro.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Angelito “Teacher Angel” Bejec, Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, buwan ng Hulyo karaniwang ginugunita ang nasabing okasyon sa bansang kaniyang kinaroroonan.

Aniya, isa hanggang dalawang oras lamang ang selebrasyon nito at magbabalik din sila sa normal na klase.

--Ads--

Samantala, may pagkakaiba rin ang paaralan sa Thailand kung saan organisado ang disiplina ng mga mag-aaral.

Maituturing naman ni Teacher Angel na hindi gaano kahirap ang pagiging guro sa naturang bansa.

Subalit, kailangan aniya ng mahabang pasensya para magpursigi sa pagtuturo sa ibang bansa dahil na rin sa language barrier.

Gayunpaman, hindi naman kinakailangan aralin ang salitang Thai para makapagturo.

Ibinahagi naman niya na taon 2024 nang magpunta sila sa Thailand bilang tourist lamang ng dalawang buwan at hinikayat lamang siya ng kaniyang nakatatandang kapatid na manatili na sa bansa.

At sa loob na ng halos dalawang taon na pagiging guro, ramdam niya ang pagbibigay halaga sa kanila at nagiging magaan bunsod ng paghihirap na kanilang napagdadaanan.

Naging malaki ang impact nito sa kaniyang pamumuhay at mas namulat siya sa realidad.