Umabot na sa higit P4 bilyon ang pinagsamang pinsala sa agrikultura at imprastruktura ng mga nagdaang bagyong Mirasol, Nando at Opong, at ng Habagat.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang kabuuang pinsala sa agrikultura ay umabot na sa P2,312,911,505 na naitala sa Region 1 (Ilocos Region), Region 2 (Cagayan Valley), Region 3 (Central Luzon), Calabarzon, Mimaropa, Region 5 (Bicol Region), Region 6 (Western Visayas), Negros Island Region at Region 12 (Soccsksargen).
Samantala, ang tinatayang pinsala sa imprastruktura ay nasa P1,845,370,789 na naitala sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region (CAR), Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas at Central Visayas.
Sa parehong update, sinabi ng NDRRMC na ang nawasak na bahay ay may kabuuang 140,070, kung saan 115,442 ang klinasipika bilang “partially damaged” at 24,628 ang “totally damaged.”
Ang mga apektadong pamilya ay nasa 1,209,202 na katumbas ng 4,586,011 katao na naninirahan sa 9,285 barangays.