Binanatan ni dating Presidential spokesman Atty. Harry Roque si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dawit umano sa isyu ng katiwalian sa flood control projects.
Isa sa mga tinukoy ni Atty. Roque na umano’y ebidensiya ay ang paghahatid ng limpak-limpak na salapi sa Aguado residence sa harapan lamang ng Malacañang.
Hindi rin umano naniniwala si Roque na walang alam ang Pangulo sa laki ng mga pera na nakukurakot.
Matatandaan, una ng ibinunyag ng surprise witness sa imbestigasyon ng Senado sa flood control anomaly, na si Master Sergeant Orly Regala Guteza, na dating sundalo at dating security consultant ng nagbitiw na si Ako Bicol Party List Rep. Zaldy Co, na personal siyang naghatid ng mga maleta na naglalaman ng milyun-milyong halaga ng cash na tinawag na “basura” sa bahay ni dating House Speaker Martin Romualdez at sa kaniyang Aguado residence.