DAGUPAN CITY- Pinaniniwalaan ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1 at PNP Pangasinan na konektado ang buntol-buntol na hinihinalaang shabu sa Labrador at ang naharang na van sa Bugallon na naglalaman ng illegal na droga na nagkakahalagang P850 million.

Sa isinagawang press conference hinggil sa nasamsam na buntol-buntol na hinihinalang shabu sa bayan ng Labrador, sinabi ni Dir. Gen Isagani Nerez, isang hamon ngayon para sa Philippine Drug Enforcement Agency ang alamin an tunay na dahilan kung bakit isa ang Pangasinan sa mahilig pagdalhan ng mga illegal na droga sa bansa.

Sa kasalukuyan ay nakikita nilang bahagi ang lalawigan sa delivery route ng international drug syndicate.

--Ads--

Aniya, base ito sa naging landing area ng mga droga, sa lalawigan ng Zambales -kalapit probinsya lamang ng Pangasinan.

Samantala, binigyan halaga naman ni Nerez ang progreso na isinasagawang kooperasyon ng PDEA at PNP.

Aniya, sa ika-apat na taon ng kasalukuyang administrasyon, nagbubunga ng maganda ang operasyon ng nasabing pagtutulungan ng dalawang ahensya.

Patuloy naman ang follow-up operations habang hinahabol ang mas malaki pang sangkot na maaaring kasamahan ng mga nahuling suspek.