DAGUPAN CITY- Ikinagulat ng mga matataas na opisyal ng bayan ng Labrador ang pagkakadiskubre kagabi ng nagkakahalagang P6.8 billion hinihalang shabu na nakasilid sa mga pakete ng tea bag sa isang pribadong ari-arian sa Brgy. Laois kagabi.
Ayon sa kanila Municipal Mayor Noel Uson at Vice Mayor Melchora Vaneza, inakala nilang drug-free ang kanilang bayan subalit, bulto-bultong hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa lugar.
Anila, hindi nila kilala ang nagmamay-ari ng lugar sapagkat batay sa kanilang nabalitaan, bagong bili lamang ang naturang bahay.
Tiniyak naman ng bise alkalde na sa mga susunod na araw ay magkakaroon sila ng pagkilos upang hindi na ito maulit pa.
Ani Vice Mayor Melchora, aalamin nila ang mga owners at buyers upang mapagkonekta ang pangyayri at matukoy ang pinakaugat nito.
Samantala, sinabi naman ni PBGen. Dindo Reyes, Regional Director, PNP Region 1, naging posible ang pagkakadiskubre ng bulto-bulto na hinihinalang shabu dahil sa koordinasyon ng PDEA at PNP.
Tiniyak naman ni PCol. Arbel Mercullo, OIC ng PNP Pangasinan, ang pagpapaigting ng intelligence gathering upang masimot ang illegal na droga sa lalawigan.