Naging motibasyon ng isang regular blood donor ng Dugong Bombo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na dugo sa bansa.

Ayon kay Ruel de Guzman, Dugong Bombo Regular Blood Donor, sa panayam nbg Bombo Radyo Dagupan, kada magkaroon ng taunang Dugong Bombo ay sinisikap niyang mag donate at makibahagi bilang responsibilidad.

Nakita niyang napakaimportanteng magkaroon ng sapat na suplay ng dugo ang Philippine Red Cross at iba pang blood storage facilities ng mga ospital.

--Ads--

Saad nito na taong 2011 siya unang sumubok na mag donate ng dugo sa Philippine Red Cross at sa taong 2012 na siya unang nagdonate sa Dugong Bombo.

Bilang regular blood donor ay nakatulong na siya nang mangailangan ng dugo ang mismong mga kaanak at mga kaibigan o dating kaklase nito.

Samantala, inilahad nito na ang magandang benipisyo ng pagiging blood donor ay nagkakaroon ng pagkakataon para malaman kung may problema sa kalusugan dahil dadaan muna sa screening bago makuhanan ng dugo.

Dagdag pa niya na napakalaki umano ang epekto sa kanila ang pagpapasalamat ng ibang tao dahil sa pamamagitan ng kanilang dugo ay nailigtas o nadugtungan ang kanilang buhay.