Nakataas na sa red alert status ang emergency operation center ng Office of the Civil Defense Region 1 – ang pinakamataas na level ng alert status

Sa panayam ng bombo radyo Dagupan kay Adreanne Pagsolingan Public Information Officer – Office of the Civil Defense Region 1, ang pagtataas sa red alert status ay upang mapaigting ang monitoring, communication at reporting sa mga PDDRMO, Local DRRMO at member agencies.

Ibig sabihin ang mag assets ay nakahanda nang ideploy kung kailangan ng augmentation.

--Ads--

Sa ngayon ay binabantayan na ang mga probinsya sa rehiyon dahil sa banta ng hangin at malakas na pag ulan.

Partikular na minomonitor ang mga lugar sa rehiyon na delikado sa landslide, at pagbaha.

Sa ngayon ay wala pa silang namomonitor na mga untoward incident sa probinsya kaugnay sa nararanasang sama ng panahon.