DAGUPAN CITY- Hindi pagkakasundo ng mga mambabatas ng Estados Unidos ang hindi pagkakapasa ng ‘short-term funding’ ang naging ugat ng pagshutdown ng kanilang gobyerno.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bradford Adkins, Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, ito na ang ikalawang beses na nangyari sa ilalim ng administrasyon ni US Pres. Donald Trump.

Aniya, maaapektuhan nito ang serbisyo ng gobyerno dahil mababawasan ang mga empleyado.

--Ads--

Kabilang sa maaaring maapektuhan ay ang pagdelay ng mga pension sa ilalim ng Social Security System at paghaba ng mga tao sa arrival/departure sa paliparan dahil sa kakulangan ng immigration officers.

Gayun na din sa ilang mga infrastructure projects dahil maghihigpit ang Federal Government sa paglalabas ng pondo.

Giit niya, isa itong ‘chain reaction’ mula sa hindi pagkakasundo ng mga opisyal na pinagbubuklod ng politika.

Hindi naman nila inaalis ang posibilidad na magkaroon din ng pagprotesta ng mga taong maaapektuhan nito.

Walang katiyakan si Adkins kung kailan matatapos ang pag-shut down ng gobyerno at hindi nila hinihiling na tatagal pa ito ng higit isang buwan.

Payo naman ni Adkins sa kapwa Pilipino na habang hindi pa nagbabago ang sitwasyon ay huwag munang umalis sa US.