DAGUPAN CITY- Aprubado na ang Annual Investment Program sa syudad ng Dagupan na nagkakahalaga ng ₱2,663,146,884.

Ikinakatuwa ni City Mayor Belen Fernandez ang pagdating nito na kanilang ilalaan at itutuon sa edukasyon, kalusugan, disaster preparedness, waste management, at pangkabuhayan.

Maliban pa riyan, mayroon pang 11 infrastructure project na kaniyang hinihiling sa national government para matugunan ang pagbaha sa syudad, kabilang ang creek rehabilitations, road projects, floodgates, at pumping stations.

--Ads--

Hindi pa nakatitiyak ang alkalde kung maaaprubahan ito ngayong lumabas ang ghost flood control projects, partikular na sa Bulacan.

Subalit, nananatiling positibo si Fernandez dahil wala namang maanumalyang proyekto sa syudad ng Dagupan.

Samantala, sinagot naman niya ang mga pambabatikos sa kaniya hinggil sa nararansang pag baha.

Aniya, ang paglabas ng katubigan sa Ambuclao Dam at nasirang dike sa San Vicente, Calasiao ang pinagmulan ng kamakailang pagbaha sa syudad.