Dagupan City – Lumahok ang mahigit 50 mag-aaral mula sa 7 Public and Private High School sa Basketball Clinic na pinangunahan ng U.S Basketball Sports Envoy sa lungsod ng Alaminos.

Ayon kay Cloyd Peter Lalas, Department Head ng City Youth and Sports Development Office ito ay kinabibilangan ng Alaminos City National High School, Great Plebian College – High School Division, Cayucay National High School, Tangcarang Elementary School, Colegio San Jose De Alaminos, Ildefonso Quimson Community High School, at San Vicente National High School.

Layunin ng kanilang pagbisita, na kinabibilangan din ng pagpunta sa Maynila, na magdaos ng mga basketball clinic at leadership forum.

--Ads--

Sa pamamagitan nito, isinusulong nila ang pagkakaisa at pagkakaunawaan sa iba’t ibang kultura, at ipinapakita kung paano ang sports ay maaaring maging daan upang mahasa ang talento at leadership skills ng mga kabataan.

Ibinahagi rin nito ang pagiging active ng kanilang Local Government Units sa mga ganitong klaseng mga oportunidad.

Isa sa mga magiging panauhin ay sina McWilliams-Franklin’s na two-time WNBA champion with the Detroit Shock and Minnesota Lynx at six-time all-star. Si Sam Vincent ay isang retiradong manlalaro ng NBA at kasalukuyang coach.

Mensahe naman nito sa mga kabataan na kinakailangan ng sikap at tiyaga sa larangan para maging magaling, dagdag pa ang pagpapahalaga sa pag-aaral.

Ayon naman sa participant na si Ace Languido mula sa Collegio San Jose de Alaminos ito ang una niyang pagkakataon na sumabak sa ganitong palaro.

Mensahe niya sa mga kapwa kabataanb na maging pursigido sa pag-eensayo upang mas mapagaling pa ang performance sa laro.