Dagupan City – ‎Pinalawig ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan ang selebrasyon ng ika-125 Philippine Civil Service Anniversary matapos maantala ang ilang aktibidad dahil sa mga nagdaang bagyo.

Kabilang sa mga itinakdang programa ang Employees’ Wellness Day sa Oktubre 8, kung saan magbibigay ng libreng serbisyo gaya ng gupit, manicure at iba pa.

Isinagawa na rin ang unang ballroom dancing session bilang bahagi ng promosyon ng work-life balance.

Tuwing Miyerkules ngayong buwan, bukas ang Municipal Health Office para sa libreng dental at medical check-up ng mga empleyado.

Kasabay nito, muling ipinaalala ang pagbabawal sa paninigarilyo at pag-inom sa oras ng trabaho, batay sa mgaumiiral na patakaran ng Civil Service Commission.

Binigyang-diin din ang panganib ng vape, na sinasabing mas mataas ang taglay na kemikal kaysa sa ordinaryong sigarilyo.

Sa isinagawang flag raising ceremony, inilahad ang mga natapos na programa mula Setyembre 15 hanggang 26, kabilang ang tulong sa mga magsasaka, job seekers at mga programang pangkalikasan at pang-isports.

Nakatakda ring magsagawa ng libreng anti-rabies vaccination sa Setyembre 30 bilang bahagi ng World Rabies Day.

--Ads--