Nilinaw ni Senador Francis “Chiz” Escudero na kailanman ay hindi siya naging kakampi ni Congressman Martin Romualdez, at iginiit na lalabanan niya ang mga umano’y “script at sarswela” na ginagamit ng kongresista upang guluhin ang isipan ng taumbayan at pag-awayin ang mga mamamayan.

Sa kaniyang naging talumpati sa plenaryo ng Senado aniya ay patutunayan niyang walang katotohanan ang mga paratang ng testigong ginagamit niya laban sa Senador.

Hinimok din niya ang lahat na huwag makiisa kay Romualdez kung tunay na hustisya at katotohanan ang hangad.

--Ads--

Ani Escudero, ang mga taktika ng kongresista ay malinaw na paraan upang iligaw ang publiko at pagtakpan ang sariling pananagutan.

Binatikos din niya ang mga aniya’y hakbang ni Romualdez upang pag-awayin ang mga opisyal ng gobyerno at ang mamamayan, na layong makaiwas sa paninisi at paniningil ng sagutin.

Dagdag pa ni Escudero, dapat imbestigahan ang lahat ng personalidad na nadawit sa isyu mga mambabatas man o opisyal ng pamahalaan kasama na rin si Romualdez.

Pinuri naman nito ang mga testigong lumalantad upang isiwalat ang katotohanan, lalo na si Sgt. Guteza, na aniya’y nagsasalita hindi para sa pansariling interes kundi para maglabas ng tama at makatotohanang impormasyon.