Dagupan City – Ipinaabot ng Sapa Grande Chapter ng CIAI-SI 61892 ang mensahe ukol sa kahalagahan ng kanilang organisasyon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jessie Glenn Cabaña, Presidente ng Sapa Grande Chapter ng CIAI-SI 61892, sinabi nito ang papel ng kanilang samahan bilang isang non-profit organization na naglilingkod para sa kapakanan ng komunidad.
Aniya, layunin ng kanilang organisasyon na makatulong sa lipunan sa pamamagitan ng iba’t ibang community service projects tulad ng Brigada Eskuwela, Feeding Program, at pamamahagi ng school supplies na katuwang ang kanilang mga sponsors.
Bukod dito, binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng kanilang regular na Blood Letting Activity.
Hinikayat ni Cabaña ang publiko, lalo na ang mga residente ng Burgos, na makiisa at lumahok sa nalalapit na Blood Letting Activity na gaganapin sa Oktubre 11, 2025.
Ayon sa kanya, ang naturang aktibidad ay isang mahalagang hakbang upang makatulong sa mga nangangailangang pasyente sa kanilang komunidad.