Arestado ang dalawang indibidwal sa isinagawang buy-bust operation ng Lingayen Municipal Police Station (MPS) sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 1 (RO1).
Kinilala ang mga suspek na isang 30-anyos, vulcanizer na residente ng Lingayen at isang 21 laborer na residente rin ng nasabing bayan.
Nakumpiska sa mga suspek ang siyam (9) na gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na PhP61,200.00, isang (1) unit ng caliber .22 revolver, isang (1) bala ng caliber .22, isang (1) pirasong genuine na Php 1,000.00 bill na ginamit bilang buy-bust money, apat (4) na pirasong machine copy ng Php 1,000.00 peso bill (boodle money), isang (1) unit ng cellphone, isang (1) unit ng motorsiklo at isang (1) pirasong itim na coin purse.
Isinagawa ang inventory at pagmamarka ng mga ebidensya sa lugar ng insidente sa presensya ng mga mandatory witnesses at ng mga suspek, alinsunod sa itinatakda ng batas.
Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).
Ang operasyong ito ay bahagi ng patuloy na kampanya ng Lingayen MPS laban sa ilegal na droga at kriminalidad sa kanilang nasasakupan.