Nagkampeon sa America’s Got Talent Season 20 si Filipino-American singer Jessica Sanchez.

Pinahanga niya ang mga audience lalo na ang mga judges na sina Sofia Vergara, Simon Cowell, Mel B, at Howie Mandel.

Nakakuha ito ng maraming boto mula sa fans kung saan nahigitan niya ang rapper na si Chris Turner.

--Ads--

Mag-uuwi si Sanchez ng $1-milyon bilang premyo.

Naging emosyonal ang singer at halos hindi makapagsalita ng tawagin ang kaniyang pangalan.

Kinanta niya sa finale performance ang “Die With a Smile” nina Lady Gaga at Bruno Mars.

Aminado ang singer na kinabahan ito dahil nasa pang-siyam na buwan na itong buntis

Magugunitang naging bahagi si Sanchez sa unang season ng AGT kung saan umabot lamang siya sa semi-finals.

Taong 2012 din ng sumali si Sanchez sa “American Idol” Season 11 kung saan pumangalawa ito sa puwesto.