Mga kabombo! Isa ka ba sa mahilig maghukay?
Baka ito an ang chance mo para magkaideya na sumali sa isang patimpalak?
Ngunit, hindi ito pangkaraniwan.
Muli kasing isinagawa sa Hungary ang 8th International Grave Digging Championship noong Setyembre 6, tampok ang mga sepulturero mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Layunin ng taunang patimpalak na kilalanin ang kasanayan ng mga grave digger at hikayatin ang kabataan sa propesyong madalas ay hindi nabibigyan ng pansin.
Wagi ang koponang Hungarian na Parakletosz Nonprofit Kft, matapos nilang matapos ang dalawang metrong hukay sa loob ng 1 oras, 33 minuto, at 20 segundo—ang kanilang ikalawang sunod na panalo.
Sa kabilang banda, huling nagtapos ang team mula Russia, na sinisi ang mainit na panahon sa kanilang performance.
Inorganisa ng MTFE (Association of Cemetery Operators and Maintainers), ang kompetisyong ito ay sumasaludo sa tibay at dedikasyon ng mga sepulturero sa buong mundo.
Ayon sa MTFE, ang kanilang tagumpay ay bunga ng kanilang regular na karanasan sa pang-araw-araw na trabaho.
Ang International Grave Digging Championship ay patuloy na nagbibigay-pansin sa isang mahalaga ngunit madalas ay hindi napapansin na propesyon.