Dagupan City – Binigyang diin ng isang Political Analyst ang kahalagahan ng pagsasagawa ng kilos-protesta at punto nito na hindi dapat nakatutok sa political motivations.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Prof. Mark Anthony Baliton, Political Analyst sinabi nito na dapat nakatuon ang mga ito sa tunay na pagbabago sa politika at lipunan.

At hindi dapat ito maging instrumento ng abuso o pumabor sa mga pulitiko na may sariling political motivations.

--Ads--

Tinalakay rin ni Baliton, ang naging pagbitiw ni dating House Speaker Martin Romualdez sa House of Representatives na may kinalaman sa mga isyung pampulitika na kanyang kinaharap.

Kung saan sinabi ni Balitn na inaasahan na magsasagawa na ng masusing imbestigasyon at ang pagkakaroon ng konkretong resulta mula sa bagong liderato ng Kapulungan ng mga Kinatawan.

Sa katunayan aniya, may pag-asa na magbubunga ng pagbabago ang pagpapalit ng house speaker, lalo na sa mga miyembrong nakaupo na may tiyansang pumabor sa mga nasa kapangyarihan.

Maaari rin aniyang magkaroon ng mga pagbabago sa kanilang mga political motivations kapag nagkaroon ng bagong pamunuan.

Dito na rin binigyang-diin din ni Baliton na hindi lahat ng miyembro ng kongreso ay may masamang intensyon, at umaasa siya na mas magiging maayos ang takbo ng mga sangay ng gobyerno, partikular na sa lehislatibong sangay.