Dagupan City – Suspendido na ang klase sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Mangaldan, Pangasinan mula Pre-School hanggang Senior High School ngayong araw ng Huwebes.
Ito ay bilang pag-iingat sa patuloy na malalakas at kalat-kalat na pag-ulan dulot ng hanging habagat na pinalalakas ng Tropical Depression Mirasol.
Ayon sa direktiba ni Mayor Bona Fe de Vera-Parayno, ang suspensyon ng klase ay nakabase sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) matapos ilabas ng DOST-PAGASA ang Tropical Cyclone Bulletin.
Pinayuhan ang mga magulang at mag-aaral na maging alerto at sumubaybay sa mga anunsyo mula sa kani-kanilang paaralan, kung saan tatalakayin ang mga alternatibong pamamaraan ng pag-aaral upang hindi matigil ang edukasyon sa mga ganitong kalagayan.
Samantala, bilang pag iingat, paalala ng awtoridad na makinig sa mga abiso at manatiling maging handa sakali mang lumakas ang nararanasang pag ulan sa lugar.